Lunes, Disyembre 26, 2011

MY MILLON DOLLAR BABY:)

bakit ko sinabing million dollar baby?
dahil pinagbubuntis ko palang sya laki na ng nagastos ko.
nung hindi ko pa alam na buntis ako,dinala ako sa hospital
dahil sa dalas ng pagsusuka ko at pagsakit ng tyan,
at yun nga nalaman namin na buntis pala ako!
ayun nagbayad tuloy kami ng 10K..imagine that???!!
at ng ipanganak ko sya nka 30K ako mahigit.
pero ng makita ko na sya sobrang saya ko at nawala 
lahat ng naranasan naming hirap..


lalo na kung ganito naman kagwapo ang baby mo

talagang lahat ng hirap mawawala..
at dumating sya sa buhay namin,lalo na sa akin
ako na ata ang pinaka masayang ina sa mundo.:)

Lunes, Disyembre 19, 2011

BUHAY MAY ASAWA...

noong makilala ko sya ako na ata ang pinaka masayang babae sa mundo..
lalo na kapag sya na yung nakasama mo buong buhay at pinaka mamahal mo.
pero hindi lahat may happy ending na katapat,maraming bagay ka pa palang dapat malaman at matutunan.hindi lang puro sarap,kaswetan at pagsasaya.meron ding mga pagsubok,luha at kalungkutan.at the age of 31 akala ko alam ko na ang lahat at handa na akong harapin anumang pagsubok ang dumating..pero hindi pala,dahil may mga bagay na mahirap ipaliwanag at mahirap dalhin sa kalooban.may mga bagay na sa umpisa okey,pero sa paglipas ng mga oras,araw,taon at buwan maraming pwedeng magbago.masaya naman kami noong una,pero habang lumilipas ang mga araw na magkasama kami marami akong nadidiskubre.hindi pala lahat alam ko na sa kanya.at kahit magsisi ka huli na.hindi ko rin naman sinasabing nagsisisi ako,dahil lahat ng bagay na ginawa ko ay ginusto ko.siguro nanghihinayang lang ako sa mga pagkakataon na sana kinilala ko muna sya.minsan kasi natatakpan ng pagmamahal ang mga maling dapat mong makita.katulad ko,dahil sa sobra ko syang mahal kahit may mga mali pinipilit kong isiping tama kasi nga mahal ko sya.at meron lang talagang mga taong hindi naaapreciate kung ano ang mga ginagawa mo.okey lang din naman kasi atleast ginagawa mo yung best mo.may mangyari mang hindi maganda,wala kang pagsisisihan.
nakakalungkot lang kasi kapag dumating yung time na pagod ka na atsaka nya palang marerealize ang halaga mo.pero ako,susubukan kong ipaglaban ang bagay na dapat ipaglaban hanggang sa marealize nya na importante ako..pero kung sakaling matagalan bago nya ito makita,hindi ko na yun kasalanan kung magsawa na ako.ang importante lang naman saakin napakita at napadama ko sa kanya kung gaano sya KAHALAGA at kung gaano ko sya KAMAHAL...


sana dumating ang panahon mabasa nya ang mga blog ko tungkol sa kanya para naman malaman nya na hindi ko lang basta pinaparamdam sa kanya ang pagmamahal ko,kundi pinagmamalaki ko pa sya sa ibang tao.