ang saya ko sana dapat kahapon tsaka ngayon kasi day off nya..
pero wala rin,daig pa nya ang pumasok sa trabaho.
hindi man lang kami nagkasama.:(
kapag may pasok sya,gabi nalang ang oras para makasama at makatabi sya.
peo dahil gabi na sya kung umuwi,minsan tulog na ako pagdating nya.
tapos pag gising ko,sya naman ang tulog.hayzz...
ngayon lang at kahapon ang time para makasama ko sana sya,kaya lang hindi nangyari
kasi kung hindi sya nagbibilyar,basketball naman..tskk...okey lang naman sa akin ang maglibang sya kapag day-off nya,pero sana naman kahit konti magkaron sya ng time for me..
katulad kagabi,sobrang pagod ako kaya maaga akong umuwi para magpahinga,
akala ko magkakaron ng time para maka kwentuhan ko sya at makatabi sa higaan
pero mas pinili nya ang lumabas.inaya naman nya ako kaya lang sabi ko pagod ako.
pero imbes na mag stay sya kasama ko,lumabas pa rin sya...nagpramis syang saglit lang pero nakatulog na ako sa paghihintay sa kanya.
at pagdating nya nagising ako sa kiss nya,akala ko matutulog na rin sya pero magpapaalam lang pala syang iinom kasama ng bayaw nya,pumayag na rin ako kasi alam ko kahit hindi ako pumayag gagawin pa rin nya.para saan pa diba?..kaya ayun tinuloy ko nalang ang tulog ko,kahit deep inside nagtatampo at masama ang loob ko..
ngayong araw ang last day ng day off nya,bukas may work na sya..ayaw ko ng mag expect .ayoko ng umasang makakasama ko sya .gusto ko nalang masanay para atlleast hindi ako madissapoint or masaktan..
pero sana sa pamamgitan ng tampo ko marealize nyang magkaron ng time sa akin kahit konti.