Miyerkules, Agosto 31, 2011

Ang pagsasabi ng “Sorry” ay hindi ibig sabihin na nagkamali ka. Minsan, mas binibigyan mo lang ng importansya kung anong meron kayo kesa sa iyong PRIDE.

day off nya kahapon,kaya nagtataka ako kung bakit bigla nalang nya sa akin sinabi na pinapapunta sya sa work nya..syempre pinayagan ko naman sya kasi trabaho naman yun.tinanong ko pa nga kung sino nagpapapunta sa kanya,sabi nya yung manager daw tinawagan daw sya.


hindi ko alam kung bakit,pero parang sinasabi ng isip kong wag maniwala.
pero pumayag pa rin ako.
pagbalik nya galing dun,tinanong ko kung bakit sya pinapunta.nung una hindi nya sinasabi ang dahilan at iniiba nya ang usapan,pero makulit ako kaya panay tanong ako.hanggang sa sinabi nyang "pinagtripan"lang daw sya ng mga kasamahan nya na papuntahin dun at kinasabwat ang amo nila. ??????


sabi ko nalang "ahhh..okey"pero sa totoo lang,hindi ako satisfied sa sinagot nya.




hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya,pero parang may nagsasabi sa isip ko na may mali,kaya kinagabihan tiningnan ko yung log sa celpon nya at nakita kong wala syang nareceive na call..kaya naman tinanong ko sya.


ang sagot nya lang "ewan"...at bigla nalang akong tumahimik.kilala nya ako,basta tumahimik na ako it means may kasama ng tampo..
kaya naman umamin sya na hindi daw talaga sya tinawagan ng amo nya.tsk..
kaya pala sya nagpunta dun kasi sweldo nila at gusto nya akong surpresahin..kaya pala may inabot syang pera sa akin..pero paano pa ako matutuwa sa nangyari eh nagsinungaling na sya..:(


kaya panay sorry sya akin..pero syempre hindi ganun kadali para sa akin ang mawala agad ang tampo..kaya hindi ko sya pinansin.


hindi nya ako tinantanan ng kaso-sorry nya hanggang kinikiss na nya ako at
nilambing.pero dahil sa PAGMAMAHAL lumambot din ang puso ko..(nakz)
nangako rin syang hindi na mauulit basta wag na daw ako magalit.
kaya naman pinatawad ko na sya at natulog kaming wala ng tampuhan o sama ng loob..




kaya naman naniniwala akong mas titindi ang isang pagmamahal kung pagkatapos ng tampuhan ay may lambingang katapat,at soring wagas..:))

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento