Martes, Pebrero 28, 2012

TOO MUCH LOVE WILL KILL YOU:l

ang hirap kapag hindi ka priority ng taong mahal mo.sasabihin sayo "bawal yun" "bawal ganun"pero pagdating sa iba lahat ng bawal nagagawa nya.sabi nya bawal magtext kapag nasa trabaho,pero bakit pag sa iba nakakapagtext sya?sabi nya wala syang load kaya minsan hindi sya makapagtext, pero bakit pag iba ang nagtext nagpapaload agad sya?napakasakit malamang iba ang priority nya at yun ay hindi IKAW.:( 
kapag sa iba may time sya,pero pagdating sayo laging wala.kulang nalang mamalimos ka ng oras galing sa kanya.daig mo pa ang nasa opisina na kailangan may appointment ka bago ka nya bigyan ng oras at pansinin.pag sa iba lahat nagagawan nya ng paraan,pero pagdating sayo HINDI.:l
minsan tuloy naisip ko,ano nga ba ako at sino ako para sa kanya???
lagi nyang sinasabing "MAHAL KITA AT LAHAT NG GINAGAWA KO PARA SA ATING DALAWA"
pero iba ang nakikita ko.parang taliwas lahat sa sinasabi nya.


HAYYY BUHAY.....
bakit ganun?kapag mas lalo nating minamahal ang isang tao mas lalo din nila tayong sinasaktan.
kaya ko namang masaktan eh,lahat kaya kong kayanin para sa kanya.pero kapag may ibang taong involve ibang usapan na yun.pero kung kaming dalawa,wala akong hindi kakayanin para sa kanya.parang pakiramdam ko lagi akong may kakumpitensya at kahati sa atensyon nya.


mahirap magmahal sa isang taong manhid at hindi marunong makiramdam,
akala nila porket nakangiti ka,masaya kana at walang problema.well,nagkakamali kayo.
minsan ang pag-ngiti ang pinaka madaling paraan  para itago ang lungkot na iyong nararamdaman.
kaya dapat matuto ka ring makiramdam.dahil kung sino pa yung mga taong laging masaya ,sila pa yung maraming problemang dala-dala.kaya nga minsan,kapag nakangiti ka,akala ng iba ok ka.pero ang totoo halos gusto mo ng magpakamatay.wala naman kasing tao na magsasabi sayong "malungkot ako kaya iiyak na ako".wala ring magsasabing "nasasaktan ako,pwede bang umiyak ako?"basta nalang yun nangyayari lalo na kapag sobrang sakit na.:'(


at wala ng sasakit pa sa isang taong binabalewala ka.lalo na kung ang gagawa nito ay ang taong mahal mo.minsan kahit ginagawa mo na ang lahat parang hindi pa sapat.halos sa kanya na nga lang umiikot ang mundo mo,halos mapabayaan mo na ang sarili mo,pero lahat yun hindi nya nakikita.
ano paba ang dapat gawin ng isang taong walang ginawa kundi ang mahalin ka at pagsilbihan?
na kahit sobra-sobra na ang pinapakita mo,may kulang pa.at kapag minalas ka pa iiwan ka.
kaya naisip ko okey na rin yung maghiwalay kayo,kesa paasahin at umasa sa mga bagay na wala ng patutunguhan.:(

Linggo, Pebrero 26, 2012

elvin with ninang to be joana:)))

kung pag uusapan ang closeness,daig pa nya ako sa pagiging ina sa anak ko..feelinggg!!hehe..
at sa sobrang dami nilang pictures together,malapit ko na silang ibukod ng album..haha!!
ewan ko ba pero simula ng pinagbuntis at ipanganak ko si elvin(my son) laging si joana
ang kasama ko..daig nya pa nga ang tunay kong mga kapatid sa pag aasikaso at pag aalaga sa anak ko eh..love na love nya talaga ito.kaya naman sa tuwing kasama ko anak ko lagi nya itong pinanggigigilan at halos hindi na ito makatulog.





kaya naman balak ko na syang kunin na ninang:))
sya rin ang takbuhan ko kapag walang budget at naubos ang gatas ni elvin:DD
at agad-agad itong magpapahiram..sana nga wag na nya minsan pabayaran.hehe..
at kapag nagkasakit ito,sobrang oa kung mag-alala..haha!!
at dahil dun gusto syang pasalamatan..
THANKS JOANYIE:)))
iloveyou..

Huwebes, Pebrero 23, 2012

LIAR!

naghihintay ako kahapon ng text nya ni isa wala..:(
akala ko busy sya kaya naman okey lang sa akin.
pero pag uwi nya ng bahay at tiningnan ko yung celpon nya,
may tinext pala sya.at ang nakakatampo pa,dinelete nya lahat ng mga text..tsk!
sa log ko yun nakita kaya nalaman ko..thanks sa log na yun!
tinanong ko sya about dun,sabi nya kaya lang daw sya nakapagtext kasi
importante daw yun..eh ako?ano ba ako?hindi ba ako importante ganun???
pwede naman nya akong itext habang may tinetext syang iba diba?
kung gusto mo talaga may magagawa ka..pero WALA!
nakakatampo lang talaga..:((
pero sya kahit kailan hindi ko matiis na hindi itext,kahit nga marami akong ginagawa
simpleng "kamusta"lang hindi ko sya nakakalimutang itext eh..
sabagay,magkaiba talaga ang importante kesa sa priority..
pero sana nagsabi nalang sya sa akin ng totoo at hindi yung ginawa nya pa akong tanga.
sabi nya nung una wala daw sya load kaya hindi nya ako tinext.ikalawa nyang kasinungalingan
busy sya!kung hindi ko pa nakita yung log sa celpon nya ,hindi ko malalaman ang totoo..
hindi ko na tuloy alam kung kelan sya nagsasabi sa akin ng totoo at hindi..


SANA SA SUSUNOD KUNG MAGSISINUNGALING KA,GALING-GALINGAN MO NAMAN:l

Miyerkules, Pebrero 15, 2012

DOUBT:l

doubt o pagdududa..ano nga ba ito?well,para sa akin,ito yung mga bagay na naiisip mo kapag yung isang tao ay may pagbabago.minsan kasi may mga bagay tayong nakasanayan at kapag hindi na natin ito nakita o naramdaman nag-iisip na agad tayo ng hindi maganda.
pero minsan ang pagdududa ay hindi lang isang hinala at sinasabing bagay na walang basehan.
maaari rin itong magkatotoo o mapatunayan lalo na kapag ang taong involve dito ay hindi marunong mag-ingat o magtago.kaya wag nating sasabihing "puro kana lang duda"sa isang tao.dahil baka totoo naman pala todo deny ka pa.


may mga duda rin na totoo!may tao kasing kapag nagduda at bigla nalang kinabahan,
it's mean totoo yung duda nya o hinala.kaya mag-ingat ka..baka huli kana hindi mo pa alam at sinasakyan ka nalang pala nya.mas mabuti na yung bago nya pa malaman o makita SABIHIN MO NA.
may kasabihan nga 'walang lihim na hindi nabubunyag'kaya kung ayaw mo ng gulo at mawalan ng isang minamahal,it's better to tell the truth or else..............

Martes, Pebrero 14, 2012

PAHABOL NA GIFT:]

akala ko tapos na ang bigayan ng gifts hindi pa pala..ahee..
pagdating ng asawa ko galing trabaho inuwian nya ako ng roses..!!
super duper saya ko AS IN!!:))))




at sobra akong kinikilig!!ayiiieeee:D
sana kahit hindi valentines at kahit walang occasion lagi nya 
akong pakiligin..hehe..
thanks honey.iloveyou..muahh!!

Lunes, Pebrero 13, 2012

VALENTINES 2012 GIFTS:))

im so happy simula pa kagabi..feb.13 palang sinelebrate na namin ang valentines day.
bukod sa araw ng mga puso, 4 mos.na din kasi ng baby ko..kaya ayun tinodo na ang celebration..
red wine and chooks to go lang solve naaa!!bili ng siz ko.
akala ko dun na matatapos ang araw ng mga puso para sa akin,pero 
nasurprise din ako ng bigyan ako ng asawa ko ng gift.
unexpected talagaaaa!!!



sobra-sobra na ang saya ko ng gabing yun pero hindi pa pala yun tapos..
binigyan din ako ng mama ko at siz ko ng gift..ayieee!!
dami ng blessing umaapawww...:)))
ayoko man maghanap pa ng sobra pero gusto ko talaga matanggap ay
chocolate na ferrero at rose..HAHAHA:D
demanding ako????:^_^
pero HAPPY naman ako:)
thanks GOD at sobra kong saya..
i deserved this!!!hehe..
sana next time more pa...:p
thanks sa lahat ng mga taong NAGMAMAHAL sa akin..:))
happy valentines..:]






Sabado, Pebrero 11, 2012

advance valentine gift:))

i was surprised yesterday ng bigyan ako ng asawa ko ng gift..
kahit hindi ako masyado mahilig sa sweet sobra ko pa ring naappreciate yung binigay nya kasi minsan lang sya maging ganun ka-sweet..


kahit na nung araw din na yun nagkatampuhan kami,
okey lang kasi napasaya nya pa rin ako..
THANKS HONEY:)



Huwebes, Pebrero 9, 2012

PAGDUDUDA:l

hayyy naku..may nakita na naman ako..tsk!
at assual..wala na naman syang nabanggit o nakwento sa akin...
tuwing may nalalaman ako o nakikita lagi nalang ako ang last na nakakaalam.
mukhang nasasanay na ako at pagod na ring magcomment .
kahit ano naman kasi sabihin ko  useless din..haiz:(


ang iniisip ko lang bakit tuwing may mga picture akong nakikita,lagi nalang dun sa taong yun naka tag??close ba sila o my something sa kanilang dalawa??
hayy..kahit anong duda ko wala pa rin akong makitang  reason para iprove kung may relasyon nga silang dalawa..pero sabi nila kapag nakaramdam ka ng kaba,yun na yun!
sinubukan ko na syang tanungin dati pero lagi nya itong tinatanggi.
"magtiwala daw ako sa kanya"yun ang lagi nyang sinasagot sa akin.
pero talagang hindi ko maalis na hindi magduda.lalo na kapag may mga bagay akong nalalaman na hindi nya sa akin direktang sinasabi.


minsan nga ,sinusubukan ko nalang na balewalain ang lahat para atlis mabawasan man lang yung nararamdaman kong sakit.pero hindi pa rin eh...sobra pa rin akong nasasaktan:'(
sana kung anu man tong nararamdaman ko hindi totoo..NAGKAKAMALI lang sana ako..:l

Linggo, Pebrero 5, 2012

My sister-in-law's baby girl:)

12:50 am ng manganak ang hipag ko..dali-dali akong pumunta sa bahay nila ng marinig ko ang iyak ng baby..
natuwa ako kasi ang cute ng baby..hehe:))..pagkatapos nyang linisan agad ko itong kinarga,parang ako ang ina sa sobrang excitement..
it's baby girl named KHAYELA MARIE..
bagay na bagay sa kanya yung name nya kasi ang cute at ang puti..
nung nagbubuntis palang ako gusto ko rin sana baby girl.
pero ng naging boy ok lang din kasi ang gwapo din naman ng baby ko..
welcome to the world baby khayela:))

Sabado, Pebrero 4, 2012

SMILE..

ito ang pinaka magandang ngiting nakita ko..
ang kyut talaga ng anak ko..
ikaw na ang magkaron ng ganitong ka-kyut na baby..
:))))

pasalubong :)

inuwian nya ako kagabi ng paborito kong polvoron..!!
favorite ko talaga toh AS IN!!
simula ng inuwian nya ako nito dati ,sobrang naging favorite ko na sya.
sarapppp kaseeee eh..:)))