Martes, Pebrero 28, 2012

TOO MUCH LOVE WILL KILL YOU:l

ang hirap kapag hindi ka priority ng taong mahal mo.sasabihin sayo "bawal yun" "bawal ganun"pero pagdating sa iba lahat ng bawal nagagawa nya.sabi nya bawal magtext kapag nasa trabaho,pero bakit pag sa iba nakakapagtext sya?sabi nya wala syang load kaya minsan hindi sya makapagtext, pero bakit pag iba ang nagtext nagpapaload agad sya?napakasakit malamang iba ang priority nya at yun ay hindi IKAW.:( 
kapag sa iba may time sya,pero pagdating sayo laging wala.kulang nalang mamalimos ka ng oras galing sa kanya.daig mo pa ang nasa opisina na kailangan may appointment ka bago ka nya bigyan ng oras at pansinin.pag sa iba lahat nagagawan nya ng paraan,pero pagdating sayo HINDI.:l
minsan tuloy naisip ko,ano nga ba ako at sino ako para sa kanya???
lagi nyang sinasabing "MAHAL KITA AT LAHAT NG GINAGAWA KO PARA SA ATING DALAWA"
pero iba ang nakikita ko.parang taliwas lahat sa sinasabi nya.


HAYYY BUHAY.....
bakit ganun?kapag mas lalo nating minamahal ang isang tao mas lalo din nila tayong sinasaktan.
kaya ko namang masaktan eh,lahat kaya kong kayanin para sa kanya.pero kapag may ibang taong involve ibang usapan na yun.pero kung kaming dalawa,wala akong hindi kakayanin para sa kanya.parang pakiramdam ko lagi akong may kakumpitensya at kahati sa atensyon nya.


mahirap magmahal sa isang taong manhid at hindi marunong makiramdam,
akala nila porket nakangiti ka,masaya kana at walang problema.well,nagkakamali kayo.
minsan ang pag-ngiti ang pinaka madaling paraan  para itago ang lungkot na iyong nararamdaman.
kaya dapat matuto ka ring makiramdam.dahil kung sino pa yung mga taong laging masaya ,sila pa yung maraming problemang dala-dala.kaya nga minsan,kapag nakangiti ka,akala ng iba ok ka.pero ang totoo halos gusto mo ng magpakamatay.wala naman kasing tao na magsasabi sayong "malungkot ako kaya iiyak na ako".wala ring magsasabing "nasasaktan ako,pwede bang umiyak ako?"basta nalang yun nangyayari lalo na kapag sobrang sakit na.:'(


at wala ng sasakit pa sa isang taong binabalewala ka.lalo na kung ang gagawa nito ay ang taong mahal mo.minsan kahit ginagawa mo na ang lahat parang hindi pa sapat.halos sa kanya na nga lang umiikot ang mundo mo,halos mapabayaan mo na ang sarili mo,pero lahat yun hindi nya nakikita.
ano paba ang dapat gawin ng isang taong walang ginawa kundi ang mahalin ka at pagsilbihan?
na kahit sobra-sobra na ang pinapakita mo,may kulang pa.at kapag minalas ka pa iiwan ka.
kaya naisip ko okey na rin yung maghiwalay kayo,kesa paasahin at umasa sa mga bagay na wala ng patutunguhan.:(

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento