Sabado, Marso 24, 2012

goodbye,paalam kuya RAMON MARCELINO:(

minsan sa buhay ng tao,hindi natin maiwasang maiwan ng hindi inaasahan.
yung tipong okey lang ang lahat,masaya,pero sa isang iglap...WALA.
bigla nalang MAWAWALA:(
dun sa hindi inaasahang pagkakataon,yung tipong hindi ka pa handa..
yun yung NAKAKALUNGKOT..yung mangyayari nalang,wala kang magagawa,
wala, kundi ang tanggapin ang nangyari.UMIYAK...umiyak ng umiyak..
pero kailangan mong magpakatatag at harapin ang panibagong buhay na hindi mo na kasama 
ang taong yun.at ipagpatuloy ang bawat araw hindi sya kasama..


WE MISS YOU KUYA RAMON...
#condolence to marcelino family

Linggo, Marso 18, 2012

UNTITLED:]

ngayon lang ulit nag-blog..wala lang..tinatamad lang ako:))
as of now,happy naman ang life as a mother and wife.
simula ng gawin nya ang peace offering nya sa akin wala na kaming masyadong
naging problema.meron man siguro,it's a small things lang naman.
nakakatuwa nga kasi lagi na syang sweet,lagi syang may pasalubong galing work
at kapag may konting tampuhan napag-uusapan at nasusolusyunan din naman agad.
siguro ang tanging problema ko lang ngayon ay ang sarili ko..
ewan ko ba,may mga bagay pa ring gumugulo sa isip ko ngayon.kahit ako sa sarili ko
hindi ko rin maintindihan.(sigh)sa dami kasi ng mga bagay na nangyari parang mahirap na sa
akin ang paniwalaan pa sya.although nakikita ko namang ginagawa nya ang lahat para maging masaya ako.pero dahil ayoko na ng away o tampuhan iniiwasan ko na rin ang mag-isip ng kung anu-ano.ang mahalaga sa akin ay ang ngayon at mga araw na darating na kasama sya:)

Huwebes, Marso 1, 2012

PEACE OFFERING:)

away...away...away:((


akala ko wala ng katapusang away,pero isang umaga nagulat ako dahil bawat sulok ng bahay namin nilagyan nya ng letter..!


una sa higaan..
akala ko yun lang,pero pagpunta ko ng kitchen dahil magsasaing na ako,
eto ang nakita ko.
at dahil dalawa na yun,naisip ko baka sa cr meron din.
ayun!hindi nga ako nagkamali..:DD
at ang huli ay sa isinabit nya sa calendar,
kalerkeyyy!!!
hindi ko alam kong paano magrereact.kasi first time nya lang ginawa un sa akin.
kaya sobrang saya at kinilig talaga ako..mababaw lang kasi akong tao:p
at nung makita ko ang mga yun lahat ata ng kasalanan nya sa akin nabura..hahaha!!
sana ganun lagi:]

kung hindi nyo naman mabasa yung mga nakasulat dun,
eto at may hinanda akong interpretation..haha!!
4 IN 1..
hehehe:D
effort talaga kung effort..hahaha
KILIG MUCH:))