1.) ikaw lang ang nakakapag-pangiti sakin kahit ano pa yung mood ko.
2.) ikaw lang ang natatagalan kong katext ng buong araw.
3.)ikaw lang yung sobrang nagagalit sakin pag di ako kumakain at natutulog ng maaga.
4.) ikaw lang ang gustong-gusto kong binibigyan ng kahit ano.
5.)ikaw ang sobrang madali kong ma-miss. tipong, ilang oras pa lang kita di nakikita, wala, mamamatay nako, kasi di kita makita.
6.)ikaw ang may pinakamaraming picture sa wallet ko:)
7.)ikaw lang yung sobrang hinihiritan ko.
8.) ikaw ang dahilan kung bakit ako bumubili ng load kahit ilang beses pa sa isang linggo.
pero okey lang kasi sayong pera naman!haha:D
9.) ikaw lang ang napagsasabihan ko na loser sa pagkanta..(kasi naman di ka talaga magaling).^_^
10.)ikaw lang ang napapagalitan ko pag kinikiliti mo ako,kasi naman grabe ka!pag sayo ko ginagawa yun ayaw mo rin..:p
11.)ikaw lang ang taong pwede kong sabihan ng kahit ano ,ikagalit mo man o ikasaya ito.
12.)ikaw lang ang taong gusto kong makasama kahit saan ako magpunta.
13.)isa ka sa mga taong nasasabihan ko ng kahit ano,kasi handa kang makinig kahit para na akong sirang plaka:]
14.)ikaw lang ang taong handa kong makasama sa habambuhay,hanggang kamatayan..
15.)ikaw nalang ang huling taong mamahalin ko hanggang kabilang buhay.
16.)ikaw kasi yan eh. nag-iisa ka lang. ikaw lang talagaaa!
kaya kita mahal eh...


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento