Huwebes, Setyembre 1, 2011

HOW TO MOVE ON...

marami sa atin ang namumuroblema kung paano mag-move on,
lalo na kapag sobra mong minahal ang taong yun.
maaaring makalimutan mo sya ng panandalian,pero babalik at babalik pa rin ang pagmamahal na yun kapag nakita mo sya o kaya kapag may pagmamahal ka pang natitira para sa kanya.
hindi naman kasi ganun kadali para makapag-move on agad,lalo na kapag sobrang tagal ng pinagsamahan nyo.kaya nga may kasabihang 
"time heals all wounds"naniniwala ako dyan.dahil oras lang talaga at panahon ang makakapagsabing nakalimutan mo na nga sya.at malalaman mo yun kapag sa oras na nagtagpo kayo ulit at wala ka ng nararamdaman para sa kanya.


pero ang tao hindi pare-pareho at magkakaiba..
may ilan sa atin na mahirap itong gawin,may mga taong mas pinipili ang magpakamatay kapag hindi nila kayang kalimutan yung taong yun.may iba naman nanggugulo at pinagpipilitan parin ang sarili nila kahit ayaw na sa kanila.well,hindi naman natin sila masisisi lalo na kapag wala namang dahilan o hindi sa kanila ang mali para sila iwan.sadyang may mga tao lang talaga na madaling magsawa at hindi makuntento.dahil ang totoo,kahit gaano ka pa kabait,kaganda o gwapo,may tendency paring hiwalayan ka nya at palitan.yan nga ang isa sa mga dahilan at tanong ng karamihan sa atin,kahit ipakita mo na lahat ng kabaitan at pagmamahal,iniiwan ka pa rin o kaya ipagpapalit.pero base sa napagdaanan ko,marahil may mga katangian silang nakita sa iba na wala ka.pwede ring nadevelop sila,o kaya sadyang natuksoo tinukso lang!
pero kung titingnan mo rin sadyang mababaw lang toh,dahil ang taong totoong nagmamahal hindi gagawa ng mga bagay na alam nyang ikakasira ng relasyon at pagsasama.


okey lang siguro ang isa o dalawang pagkakamali sa isang relasyon
dahil pwede pa itong maayos,pero kapag paulit-paulit na,ibang usapan na yun!kapag nagmahal ka,hindi mo kailangang magpaka-tanga
kahit marami sa atin ang ganun.kaya nga nahihirapan tayong mag-move on kasi pinapatagal pa natin ang mga bagay na dapat sa una palang tinapos na.kasi habang pinapatagal mo ang isang relasyon na wala ng patutunguhan,lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mong makalimot kapag dumating na yung point na kailangan nyo ng maghiwalay.


sa totoo lang,hindi naman talaga ganun kahirap para mag-move on,may mga tao lang talaga na ayaw umalis sa bagay na dapat ng iwan at kalimutan,kasi umaasa silang maaayos pa at maibabalik pa. kaya lalo lang silang nasasaktan.
narito ang ilan sa mga dapat gawin para makapag-move on,sana makatulong..


1.isipin mo lahat ng kasalanang ginawa nya.
sa paraang ito,yung pagmamahal na nararamdaman mo sa kanya,galit na ang papalit.
2.alisin mo lahat ang mga bagay na may connections o nagpapaalala sa kanya.as in lahat!
3.at tanggaping hindi talaga kayo para sa isa't-isa.
wag mong isiping hindi mo kaya o mahirap itong gawin,dahil walang silbi ang lahat ng sinabi ko kung hindi mo rin naman susundin.


dapat maging positive tayo kung talagang gusto nating gawin ang isang bagay at mapagtagumpayan ito.kung may mga taong nagawa tayong palitan,o ipagpalit at iwan,kaya rin nating gawin yun para naman magsisi sila.isipin mo nalang na yung mga pinagdadaanan mo ay napagdaanan na rin ng iba,at kung nakaya nila makakaya mo rin.
hindi man ganun kadali,atleast sinubukan mo.dahil kung "kayo,kayo talaga"anuman at sinuman ang humadlang..


enjoy your life!sabi nga sa movie na napanuod ko,
"kaya tao iniiwan ng taong mahal natin,kasi may papalit na mas higit dito.."tama naman diba..kaya be strong at maging masaya pa rin kahit gaano kabigat pa ang problemang ibigay sa atin..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento