Miyerkules, Enero 18, 2012

EH KASI MAHAL KO SYA:)


nakilala ko sya dahil sa basketbol.isa kasi sya sa mga player na gusto ko kahit hindi sya kasing galing ni michael jordan..ahahah!!hindi ko alam kung bakit ko sya nagustuhan.that time kasi taken ako,kaya kahit crush ko pa sya at ligawan nya ako,hindi ko pa rin sya sasagutin..hoho..

naalala ko,'bestfriend' pa tawag nya sa akin dati..hehe..lagi nya akong kinakamusta at tinatanong tungkol sa lovelife ko.
at isa pang hindi ko makalimutan ung tinekz nya ako para magpahanap ng maliligawan..ahaha!!
syempre,binigyan ko naman.pero hindi ko na alam ang mga sumunod na eksena.

lumipas ang maraming taon..nawalan na kami ng communication.
at hindi ko na rin matandaan kung paano ulit kami nag-katekz.
pero that time,SINGLE NA AKO:(

at isa sya  sa mga nasabihan ko at nakwentuhan about dun.
syempre todo payo naman sya kasi nga bestfriend 'daw' kami..:p
at dun na nag-umpisa ang lahat .

niligawan nya ako sa text.(torpe kasi)=p
at ng mag-umpisa ang liga ng parulan dito sa bulacan,dun na nya ako
talagang niligawan..lagi kaming magkasama tuwing manunuod ng basketbol.
at dahil din sa clan,kaya lalo kaming nagkalapit.

simpleng lalaki lang sya..
hindi ko alam kung bakit ko sya nagustuhan,
basta bigla nalang syang tinuro ng puso ko..
ganun daw talaga ang love,bigla-bigla mo nalang mararamdaman
without any reason.
at dahil mahal ko sya dati pa..wew..hindi ko na pinatagal at sinagot ko na.
sabi nya,hindi daw sya nakatulog nung araw na un..
(sinisi pa ako=D)
hatid-sundo nya ako nun kapag manunuod kami ng laro.
at minsan magkasama kami sa tambayan.

mahilig akong manubok ng isang tao,
kaya naman minsan ginawa ko ito sa kanya..
tinekz ko sya para subukan.nagkunwari akong nakikipag-break.
that time may laro pala sila..tsk(wrong timing)
nagrepz sya at tinanong ako kung ano ang dahilan.
sagot ko 'wala lang' and he said,"ok,kung yan ang gusto mo"
napaisip ako dahil sa sinabi nya..ok lang pala sa kanya kahit magbreak kami?:(

actually,dalawang beses ko na syang sinusubukan,
ayun...talo!haha!!pero hindi naman ibig sabihin nun ayoko na sa kanya..

nung huling break nga namin,sobra ko syang na-miss at sobra rin akong nasaktan.
namimiss ko yung time na magkasama kami..
minsan hindi ako nakatiis,tinext ko sya,at kinamusta.
walang reply akong nareceived.at minsan nagkasalubong kami,
hindi kami nagpansinan.nahihiya kasi ako..
at tinext ko ulit sya,sabi ko kapag hindi pa sya nagreply give up na ako..
sabi ko sa text,"musta suplado"..kala ko talaga hindi na sya magrereply
pero nagkamali ako.nagreply sya,at ang reply nya.."ok lang,ikaw nga suplada dyan eh"
at un ang naging daan para ulit kami magkalapit.

sabi nila,"love is lovelier than second time around"
palagay ko,totoo un dahil sa nangyari sa amin.kaya naman mas
lalo pa naming minahal ang isa't-isa.bago kami magkabalikan,
nag-usap muna kami,wala na raw makikipag-break ng walang dahilan
at kapag may problema dapat pag-usapan muna.


sa tagal na pagsasama at pagkakilala ko sa kanya,
masasabi kong sya ang tipo ng lalaki na hindi sweet in public.
pero kapag kaming dalawa lang,over naman sa pagka-sweet.=p
hindi sya maporma,at hindi rin sya maarte o mapili sa pagkain.
at nalaman ko ring ang lakas nyang kumain!!!wahaha!!bukingan ba toh?
hehe..sorry hon..:DD
napaka-simple nya sa lahat ng bagay..
parang AKO:)

-meant to be:)))

syempre kung may maganda syang katangian,meron din naman hindi.
ang ayaw ko sa kanya sobrang tagal nyang kumilos.
kapag may lakad kami nyan lagi akong pinaghihintay.
minsan may date kami,ang tagal bago ako sunduin..tsk..
tapos eto pa,niyaya kaming kumain ng friend namin,ang tagal bago dumating.
nalipasan na ako ng gutom..haiz..
at isa pa ung kapag may lakad sya na hindi ako kasama,
laging inuumaga ng uwi.mabuti nga ngayon hindi na masyado=p

at isa pa palang katangian nyan,hindi sya mahilig sa mga gifts..
ewan ko ba dun..sya lang ata ang taong ganun..hehe..pizz..
mas gusto nyang idate ako at ayaing kumain..FOODTRIP pala ang gusto!:DD
kaya hindi ako magtataka kung dumating ang time na lumaki akong parang dabiana!!waaa!!

ok lang sa akin kahit ganun sya,kapag minahal mo ang isang tao,
kasama na dun lahat kung ano sya.at kung anong meron sya.
sa lahat nga ng naka-relasyon ko,sya ang UNIQUE!
sorry mga ex..ahahaha!!:DD

at lahat ng yan tanggap ko dahil...

"MAHAL KO SYA":)))
iloveyou..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento