kainis yung brownout kagabi..kaming dalawa lang ng baby ko sa bahay kaya hindi ko alam kung anu gagawin,hindi ko sya maiwan para bumili ng kandila.pero buti nalang dumating yung hipag ko at sya ang nagprisintang magbantay para makalabas ako.
ayun nga..pagdating ko tulog pa rin ang anak ko,hindi man lang nagising at nainitan..
siguro inabot ng 2-3hrs.yung brownout kasi pagdating ng asawa ko wala pa rin ilaw eh..hayyy..
natuwa nga ako kasi pagkatapos nyang magbihis pinaypayan nya kaming mag-ina para hindi lamukin at makatulog ng mahimbing..nakaidlip naman ako,at paggising ko ayun may ILAWWW NAAAA!!!!:))
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento