maraming bagay akong gustong ipaalam sa kanya pero kapag kaharap ko na sya hindi ko masabi..
alam ko kasimg hindi pa ako magsasalita,makikipag unahan na ang mga luha ko.
hindi ko naman kasi ugaling sabihin kung ano ang nararamdaman ko.lahat lang yun tinatago ko sa dibdib ko.kaya kapag hindi ko na kaya,siguro bigla nalang itong sasabog..boom!
buti na lang nga at may blogger ako,atleast kahit paano nababawasan ang sakit na nararamdaman ko.
tampo...tampo...tampo..
yan ang dahilan kaya eto ako ngaun nagbblog.
nakakatampo kasi maraming bagay akong nalalaman na hindi nya sa akin sinasabi.
sabi nya hindi raw sya palakwento,pero syempre kahit paano naman siguro may ikkwento sya sa akin.
lalo na yung mga bagay na dapat alam ko bilang asawa nya.pero wala ehh..
lahat ng bagay na nalalaman ko sariling sikap,kung hindi sa fb ko nakikita at nababasa,may tao namang nagsasabi sa akin.at kapag minalas-malas pa,sa bibig nya mismo..(nadudulas sya).
minsan nga,gusto ko syang hulihin pero ayoko naman gawin yun..may tiwala pa rin naman ako sa kanya kahit paano.
at isa pa sa kinatatampo ko,
kapag day off nya imbes na kaming dalawa o kaya kami ng anak nya ang kasama nya,andun sya sa labas.kundi iinom..magbabasketball.hindi naman sa inaalisan ko sya ng karapatang magsaya pag oras ng pahinga nya,pero sana naman magkaron sya ng oras para sa amin.:(
minsan nga,kundi ko pa sya piliting magbonding kaming dalawa ,wala...maghihintay siguro ako sa wala..haiz:[
at isa pa sa napapansin ko sa kanya,kapag iba ang mga kasama nya ang saya-saya nya..
pero kapag ako,HINDI..
at mas gusto nyang kasama ang iba,kesa sa akin na asawa nya..
yung mga oras nga lang na dapat pahinga na nya,inuubos nya pa sa ibang bagay.
minsan sinasabi nya sa akin kung gaano nya ako kamahal..pero parang ayoko ng maniwala.
feeling ko kasi minsan hindi ako ang priority nya.
mababaw lang naman akong tao,simpleng effort lang maaappreciate ko na.pero bakit parang ang hirap yun makuha galing sa taong mahal mo?:'(
siguro nagseself pity lang ako,lagi kasi ako sa bahay at kundi pag aalaga ng anak ang ginagawa ko mga gawaing bahay naman..nabobored lang siguro ako kasi paulit-ulit lang yung ginagawa ko..
pero sana naman mapansin din nya ako bilang asawa nya at hindi lang basta taga asikaso lahat ng pangangailangan nya.
sana dumating yung time na makita nya ang halaga at kawalan ko..
pero sana hindi pa huli ang lahat bago nya yun marealize...:l
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento